Product Description
Kaugnay ng pagtugon sa mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng Wikang Pambansa at pamahalaang wika, ang mga may-akda ay tumugon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 s1987 upang makagawa ng aklat sa Filipino para sa nagsisimulang bumasa.
Ang aklat na nabuo ay batay sa sipi ng Linangan ng mga Wika (Surian ng Wikang Pambansa, Lungsod ng Quezon) kung saan napapaloob ang bagong Alpabetong Filipino na binubuo ng 28 letra o titik na ang ayos ay ganito:
A, B, C, D, E, F, G, H, I , J, K, L, M, N, ñ, NG, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Ang tawag sa mga titik ng alpabetong Filipino ay ayon sa bigkas-Ingles ng mga Filipino maliban sa ñ (enye) na tawag-Kastila.
Ang tatlong aklat ay pinagsunud-sunod mula sa dali at hirap  sa pag-unawa, hilig at karanasan ng mga bata. Nililinang ang pagkilala at pagtanda ng mga titik at tunog kasama sa pagtanda ng mga patunog (sound-teller). Unti-unting binibigkas ang pinagsamang mga tunog hanggang makabuo ng mga pantig, salita, parirala at pangungusap.
Tinuturuan ang mga batang makinig, umawit, tumula at magkulay upang maging malawak ang kahandaan sa pagbasa at pagsulat ng batang Nursery, Kinder o Prep. Ang mga awit, tula at kuwento ay orihinal at nagbibigay-aral at kaalaman sa kapaligiran. May mga awit na karaniwang inaawit ng batang Pinoy at higit sa lahat ay makapamilya at makabansa ang mga nilalaman.